237 pang kaso ng COVID-19, naitala sa Pilipinas; 565 naman ang gumaling

Nasa 237 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (December 15), pumalo na sa 2,836,915 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 10,193 o 0.4 porsyento ang aktibong kaso.

3,876 sa active COVID-19 cases ang mild; 567 ang asymptomatic; 3,492 pasyente ang moderate; 1,867 ang severe habang 391 ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 100 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 50,449 o 1.78 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 565 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 2,776,273 o 97.9 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...