Nai-proklama na ang pagkapanalo ng asawa ni Mayor Alfred Romualdez na si Cristina Gonzales-Romualdez bilang bagong mayor ng Tacloban City.
Nakakuha si Councilor Romualdez ng 72,077 na boto, habang ang mahigpit niyang kalaban na dating broadcaster na si Councilor Neil Glova ay nakakuha naman ng 23,612 votes o 48,465 margin of votes.
Si incumbent Vice Mayor Jerry Uy naman ay muling nai-proklama sa parehong posisyon.
Ayon kay mayor-elect Romualdez, ipagpapatuloy niya ang mga programa at proyekto ng kaniyang mister at itutuon rin ang pansin sa turismo ng kanilang lungsod, pati na ang pagpapalakas ng kanilang ekonomiyang labis na napinsala ng super bagyong Yolanda.
MOST READ
LATEST STORIES