‘Airport Bayanihan Pantry’, binuksan ng PCG
Nagbukas ang Philippine Coast Guard Task Force Bayanihan Returning Overseas Filipinos (TFBROF) ng isang ‘airport bayanihan pantry’ sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), araw ng Martes (December 14).
Namahagi ang TFBROF ng iba’t ibang meat products at laruan sa mga kakabalik lang na overseas Filipinos at kanilang mga anak sa naturang paliparan.
Naisagawa ito sa tulong ng donasyon ng Makati Medical Foundation.
Nagpasalamat naman ang mga returning Filipino sa inisyatibo ng ahensya upang makapagbigay ng ngiti sa nalalapit na Kapaskuhan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.