Bilang ng mga stranded na pasahero sa mga pantalan, nadagdagan

Patuloy na binabantayan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga stranded na pasahero sa mga pantalan dahil sa Bagyong Odette.

Sa maritime safety advisory hanggang 12:00, Miyerkules ng tanghali (December 15), stranded ang 1,606 pasahero, drivers at cargo helpers sa mga pantalan sa Eastern Visayas, Bicol region at North Eastern Mindanao.

Maliban dito, stranded din ang 879 rolling cargoes, 13 vessels at dalawang bangka.

Ayon sa PCG, nakararanas ng light to moderate sea condition sa Bicol region habang moderate sea condition naman sa Eastern Visayas at North Eastern Mindanao.

Patuloy naman ang 24/7 nationwide monitoring ng PCG Operations Center para sa istriktong implementasyon ng guidelines sa galaw ng mga sasakyang-pandagat.


Read more...