SJDM, Bulacan hindi muli nakapagtala ng bagong kaso ng COVID-19

Wala muling naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa San Jose Del Monte City, Bulacan.

Sa datos ng City of San Jose Del Monte Public Information Office, nasa 13 ang aktibong kaso ng nakahahawang sakit sa naturang lugar.

Sa ngayon, nasa 10,967 ang kabuuang COVID-19 cases sa SJDM.

Sa nasabing bilang, 94.86 porsyento o 10,403 ang gumaling na.

5.02 porsyento naman o 551 ang napaulat na nasawi bunsod ng COVID-19.

Read more...