Sen. Cynthia Villar, French-Filipino NGO nagkaisa sa pagbibigay proteksyon sa Las Pinas-Parañaque Wetland Park
Nagkasundo si Sen. Cynthia A. Villar at ang Together Ensemble Foundation para patuloy na mapangalagaan ang Las Pinas-Parañaque Wetland Park (LPPWP) na itinalaga na Wetland of International Importance sa Ramsar Convention.
Nagkausap sina Villar, French Ambassador to the Philippines Michèle Baccoz at Together Ensemble Foundation president Hubert d’Aboville at vice president Ramon Moreno sa Las Piñas-Parañaque Wetland Park.
Pinasalamatan ni Villar ang French ambassador at foundation sa kanilang interes na magtayo ng mga makabuluhang proyekto sa Las Piñas-Parañaque Wetland Park, na magpapaigting sa mga istratehiya para patuloy na mapangalagaan ang lugar.
Kabilang sa plano ang pagtatanim at pag-aalaga ng 75,000 puno sa lugar o ang pagpapatayo ng isang monument bilang simbolo ng relasyon ng dalawang bansa.
Ibinahagi naman ni Villar ang mga naging hakbang para protektahan ang lugar, kabilang na sa banta ng reklamasyon.
Pinuna din nito ang mga nagbabalewala sa pakinabang ng kapaligiran at mamamayan sa Las Piñas-Parañaque Wetland Park.
“We are also opposing these reclamation projects on this side of Manila Bay because it will impede the free flow of water of the 6 rivers in the area. If that will happen along with the phenomenon of climate change, disastrous flooding will result in the vicinity in case of torrential rains and that will definitely cause suffering and misery to the two million of people living in three cities,” babala pa ng namumuno sa Senate Committee on Environment and Natural Resources.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.