Hindi pa rin pagbabayad ng DOH, Philhealth sa mga ospital binatikos

By Jan Escosio December 14, 2021 - 06:24 PM

Sinabi ni Senator Leila de Lima na kinakailangan nang maimbestigahan ng Kongreso ang nagpapatuloy na isyu ng matagal na pagbabayad ng Department of Health (DOH) at Philhealth sa mga healthcare workers at ospital.

Ayon kay de Lima ang paulit-ulit na lamang na isyu na ito ay nagiging banta sa pagbibigay serbisyo ng dalawang ahensiya ng gobyerno.

“What’s wrong with DOH and PhilHealth? Are they that callous or inept in their continued failure to provide legally-mandated payments to HCWs and hospitals?” makahulugang tanong ng senadora.

Diin pa nito, hindi na dapat ipagsawalang-bahala ang ‘mismanagement’ dahil nakakaapekto na sa sistemang pangkalusugan ng bansa higit pa na nagpapatuloy ang pandemya.

 

Una nang nagpahayag ang pitong ospital sa Iloilo City na hindi na sila magre-renew ng accreditation sa Philhealth sa susunod na taon dahil sa kabuuang utang sa kanila ng Philhealth na P545 milyon.

Ngunit, ayon kay de Lima, ang lubhang nakakaalarma ay ang maraming pang mga ospital sa bansa ang nagbabalak na sumunod sa naturang hakbang.

 

“Hindi pwedeng sa panahon ng pandemya, na magdadalawang taon nang lubusang nakakaapekto sa atin, ay pinuputakti pa rin ng anomalya at palyadong sistema ang gobyerno lalo na sa sektor ng kalusugan, kabilang na itong usapin sa pondo ng PhilHealth na marami nating kababayan ang umaasa,” sabi pa nito.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.