Roxas, tinanggap na ang pagka-talo sa presidential race

Kuha ni Isa Avendaño-Umali
Kuha ni Isa Avendaño-Umali

Hindi naiwasan ni Liberal Party standard bearer Mar Roxas na maging emosyonal nang tanggapin na niya ang pagkatalo kay Mayor Rodrigo Duterte.

Sa press conference ni Roxas, sinabi niya na malinaw na malinaw sa unofficial tally ng Commission on Elections (COMELEC) na si Duterte na ang mananalo.

Sa kabila naman ng mga patutsadahan nila noong panahon ng kampanya, hiniling pa rin ni Roxas na sana ay maging matagumpay si Duterte sa kaniyang pamumuno.

Naluha ang mga supporters ni Roxas na sumaksi sa pag-concede ng kanilang kandidato sa headquarters ng LP sa Quezon City.

Nagpasalamat rin si Roxas sa lahat ng mga sumuporta sa kaniya na hindi siya iniwan hanggang sa huli.

Read more...