Todo ang iniangat ni Senator Sherwin Gatchalian at nasa ika-limang puwesto na ito sa hanay ng mga senatorial candidates, base sa resulta ng Pahayag Quarter 4 survey ng PUBLiCUS Asia.
May 1,500 respondents sa survey, na isinagawa noong Disyembre 6 hanggang 10.
Pinili si Gatchalian ng 42 porsiyento ng mga respondents at tumabla na siya kay television personality Raffy Tulfo.
Nanatili naman No. 1 si Sorsogon Gov. Francis Escudero sa nakuha niyangb 57 porsiyento.
Sinundan siya ni Pangulong Duterte na may 56 porsiyento at pumangatlo si Taguig-Peteros Rep. Alan Peter Cayetano (45 porsiyento).
Pumasok naman sa Top 12 sina reelectionist Senators Juan Miguel Zubiri (No. 7), Joel Villanueva (No. 9), Risa Hontiveros (No. 10) at Richard Gordon (No. 11).
Si dating Sen. Loren Legarda ay pang-anim, samantalang si dating DPWH Sec. Mark Villar naman ay pang-walo at pang-12 si dating PNP Chief Guillermo Eleazar.
Simula sa ika-13 puwesto sila ay sinundan nina Atty. Chel Diokno, Robin Padilla, dating Mayor Herbert Bautista, dating Sec. Harry Roque, dating Vice President Jejomar Binay, Atty. Larry Gadon, dating Defense Sec. Gilbert Teodoro at dating Sec. Gringo Honasan.