Bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, higit 10,000

Nasa 235 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (December 14), pumalo na sa 2,836,868 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 10,526 o 0.4 porsyento ang aktibong kaso.

4,104 sa active COVID-19 cases ang mild; 659 ang asymptomatic; 3,502 pasyente ang moderate; 1,868 ang severe habang 393 ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 10 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 50,351 o 1.77 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 780 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 2,775,991 o 97.9 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...