Higit 1,000 pasahero, stranded sa mga pantalan sa Bicol

Tinututukan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga stranded na pasahero sa mga pantalan dahil sa nararanasang sama ng panahon.

Sa maritime safety advisory hanggang 12:00, Martes ng tanghali (December 14), stranded ang 1,066 pasahero, drivers at cargo helpers sa mga pantalan sa Bicol region.

Maliban dito, stranded din ang 456 rolling cargoes sa nasabing rehiyon.

Ayon sa PCG, nakararanas ng light to moderate sea condition sa Bicol region.

Patuloy naman ang 24/7 nationwide monitoring ng PCG Operations Center para sa istriktong implementasyon ng guidelines sa galaw ng mga sasakyang-pandagat.

Read more...