NTC inatasan ang telcos na magbigay ng libreng tawag, charging stations sa gitna ng banta ng #OdettePH
Ipinag-utos ng National Telecommunications Commission (NTC) sa public telecommunications entities na magbigay ng libreng tawag at charging stations sa mga lugar na daraanan ng papasok na Bagyong Odette.
Ipinaalala ng NTC sa telco providers na mayroon dapat silang sapat na technical at support personnel, maging ng mga standby generator sa lugar na maaapektuhan ng bagyo.
Inatasan din ng komisyon ang telcos na bilisan ang repair at restoration ng telecommunication services sa mga apektadong lugar.
Inaasahang papasok sa bansa ang bagyo, Martes ng gabi (December 14) at tinatayang magla-landfall sa Caraga-Eastern Visayas sa Huwebes (December 16).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.