Lagpas 5.32 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.
Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 5,328,988 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 819,315.
Sumunod na rito ang Brazil na may 616,980 na pumanaw bunsod ng pandemiya.
Nasa 475,888 naman ang death toll sa India habang 296,721 ang napaulat na nasawi sa Mexico.
Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 290,604
– Peru – 201,848
– United Kingdom – 146,477
– Indonesia – 143,948
– Italy – 134,929
– Iran – 130,764
– Colombia – 129,163
– France – 120,431
– Argentina – 116,792
– Germany – 106,591
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 271,110,724 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nasa 243,782,510 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.