Centralized Databank System binuksan na sa QC

By Chona Yu December 14, 2021 - 01:36 PM

Inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang QC Gender and Development Integrated Management Information System.

Ito ang kauna-unahang unified database of violence against women and children sa buong bansa.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, mas mapadadali ang agtunton sa mga kaso ng karahasan at pang-aabuso sa mga kababaihan at kabataan dahil sa makabagong sistema.

Magagamit ng Violence Against Women and Children desk officers ang bagong programa sa 142 na barangay, police stations at GAD Council.

Ayon kay Belmonte, ang bagong programa ay culmination activity na rin sa pagtatapos ng 18-day campaign to End Violence Against Women.

“Abot-kamay na ang pag-asa para sa libu-libong biktima, habang tinitiyak natin ang kapanatagan ng loob para sa iba pang kababaihan at kabataan. Maliwanag ang mensahe natin sa kanila: tayo ay nasa panig nila at wala silang dapat ipangamba,” pahayag ni Belmonte.

Una rito, nabahala si Belmonte sa ulat ni QC Police District Director Gen. Antonio Yarra na tumaas ang kaso ng karahasan at pang-aabuso sa mga bata at babae noong September 2021.

Natukoy pa sa ulat ni Yarra na nagkaroon ng 66.67% increase sa VAWC cases at 21.54% increase sa rape cases sa unang walong buwan kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

“Ang hamon sa atin: patuloy pang maglunsad ng mga programa at serbisyo na gaya nito, na tututok sa mga isyu ng kababaihan.  Manatili sanang bukas ang ating mga puso at palad para magbigay proteksyon,” pahayag ni Belmonte.

 

TAGS: Mayor Joy Belmonte, news, QC Gender and Development Integrated Management Information System, Radyo Inquirer, Violence Against Women and Children, Mayor Joy Belmonte, news, QC Gender and Development Integrated Management Information System, Radyo Inquirer, Violence Against Women and Children

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.