DSWD nagbabala sa pekeng FB page na nag-aalok ng P10,000 ayuda
Pinasinungalingan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na may alok na P10,000 ayuda.
Ginawa ito ng DSWD matapos kumalat sa Facebook na nag-aalok ng tulong pinansiyal ang kagawaran.
“The Department received a report from a concerned citizen that a bogus FB page, which is circulating online, posted a status asking the public to register through a link in order to receive the P10,000 financial assistance,” ayon sa inilabas na pahayag ng DSWD.
Diin ng kagawaran, wala silang programa, lalo na ukol sa ayuda, na iniaalok sa pamamagitan ng social media platforms.
Kayat hinihikayat nila ang publiko na huwag pansinin ang mga pekeng Facebook page o account at ang lahat ng mga impormasyon ay nasa kanilang opisyal na Facebook page.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.