Halos 364,000 residente ng Muntinlupa City, fully vaccinated na

By Jan Escosio December 13, 2021 - 08:45 PM

Muntinlupa City PIO photo

Anim na porsiyento na lang sa target population ng lungsod ng Muntinlupa ang hindi pa fully vaccinated.

Sa pinakahuling datos na inilabas ng pamahalaang-lungsod, hanggang Sisyembre 12, may 363,688 indibiduwal na o 94 porsiyento ng target population na 385,725 ang hindi pa nakakatanggap ng kanilang second dose.

May tinatayang 551,036 residente sa lungsod.

Sa Barangay Alabang ay may 53,841 fully vaccinated individuals, habang sa Barangay Ayala Alabang ay may 16,670 at sa Barangay Bayanan naman ay may 23,813.

Samantala, narito naman ang bilang ng vaccinated na indibiduwal sa Barangay Buli (10,384), Barangay Cupang (41,931), Parangay Poblacion (63,866), Barangay Putatan (58,845), Barangay Sucat (32,211) at Barangay Tunasan (42,925).

May 19,202 naman ang nasa klasipikasyon na ‘others.’

Samantalang, 10,519 indibiduwal na ang nabigyan ng kanilang booster shot sa lungsod.

Samantala, 16,000 edad 12 hanggang 17 ang fully vaccinated na rin.

TAGS: COVIDvaccination, InquirerNews, MuntinlupaLGU, RadyoInquirerNews, COVIDvaccination, InquirerNews, MuntinlupaLGU, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.