Mga mosyon para ‘sumawsaw’ sa petisyon na makansela ang COC ni BBM, ibinasura
Hindi pinayagan ng Commission on Elections (Comelec) 2nd Division ang mga mosyon para makilahok sa petisyon na layong makansela ang certificate of candidacy (COC) ni dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa papalapit na halalan.
Tinanggihan ng Comelec ang motion na inihain ng grupo ni Rommel Bautista, gayundin ni Reynaldo Tamayo at ang admit answer-in-intervention ng Partido Federal ng Pilipinas, ang partido ni Marcos.
Katuwiran ng Comelec, kapag pinagbigyan ang mga mosyon ay maaring maging dahilan pa ang mga ito na magtagal ang pagpapalabas ng resolusyon sa petisyon na inihain ng grupo ni Fr. Christian Buenafe laban kay Marcos.
“If the instant Motion for Intervention is granted, this will necessarily result to unduly delaying the resolution of the main Petition,” ang mababasa pa sa kautusan ng Comelec.
Pinangangambahan din na kung papayagan ang mga mosyon, marami pang katulad na mosyon ang ihahain.
Nabanggit na kung pagbibigyan ang mga mosyon, maaring magdulot ito ng ‘undue and unfai advantage’ kay Marcos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.