Pagbabago sa mga pera ng bansa, dapat idaan sa Kongreso – Sen. Binay

By Jan Escosio December 13, 2021 - 08:22 PM

Dahil sa pagkakaalis ng tatlong martir na Filipino sa P1,000 perang papel, hiniling ni Senator Nancy Binay na dapat ay may pagsang-ayon ng Kongreso ang anumang pagbabago ng disenyo sa mga barya at perang papel ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

“Baka dapat yung design ng pera hindi BSP lang ang mag-decide. Yung magpalit nga ng name ng school at kalsada kailangan may congressional imprimatur, bakit kailangang exempted ang BSP? Redesigning our money should have the concurrence of Congress and the NHCP kasi meron yan relevance at implications sa history, and there’s a higher purpose to what image or content should be printed on notes and coins,” sabi ng senadora.

Dagdag katuwiran pa niya, maging ang pagbabago sa pangalan ng mga kalye, eskuwelahan at iba pang makasaysayang bagay, institusyon at lugar ay dumadaan sa Kongreso kayat aniya, dapat ituring din na ganito ang mga pera ng bansa.

Kasabay ito nang pagpapahayag niya ng labis na pagkadismaya sa pag-alis kina Jose Abad Santos, Vicente Lim at Josefa Llanes Escoda sa P1,000 at pinalitan sila ng Philippine Eagle.

“Aalisin yung mga bayani para sa eagle? Sadly, it is like saying that our martyrs and heroes are no longer worth our money,” himutok pa ni Binay.

Dagdag pa niya, ang hakbang ng BSP ay tila pagbabalewala na sa ala-ala ng kabayanihan at pagmamahal sa bayan.

Ang pagbabago sa disenyo ay gagawin kasabay nang pagbabago sa gagamiting materyales sa paggawa ng pera.

TAGS: 1000bill, BSP, InquirerNews, NancyBinay, RadyoInquirerNews, 1000bill, BSP, InquirerNews, NancyBinay, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.