Mga produktong petrolyo, may taas-presyo simula bukas
Abiso sa mga motorista.
Magpapatupad ng dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo.
Batay sa anunsiyo ng Caltex, Cleanfuel, Petro Gazz, PTT Philippines, Shell, at Seaoil, may dagdag na P1.60 sa kada litro ng diesel habang P1.35 naman ang patong sa kada litro ng gasolina.
Magkakaroon naman ng taas-presyo na P1.20 sa bawat litro ng kerosene ng Caltex, Seaoil at Shell.
Mauunang ipatupad ang oil price increase sa Caltex bandang 12:01, Martes ng madaling-araw (December 14).
Magiging epektibo naman ang oil price adjustment ng Petro Gazz, PTT Philippines, Shell, at Seaoil bandang 6:00, Martes ng umaga.
Samantala, dakong 4:01, Martes ng hapon magsisimulang mabago ang presyo ng mga produktong petrolyo ng Cleanfuel.
Asahang mag-aanunsiyo na rin ang iba pang oil companies ng kanilang oil price adjustment.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.