Sustainable pandemic recovery sa 2022, dapat nang ikasa
Umapela si House Deputy Speaker at Antique Rep. Loren Legarda sa gobyerno na ilatag na ang mga programa para sa sustainable pandemic recovery ng mga Filipino para sa taong 2022.
Kasunod ito ng patuloy na pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Paliwanag ng three term senator, malaki ang naitulong ng nationwide vaccination program para mapabilis ang pagbaba ng naitatalang kaso ng nakahahawang sakit sa bansa.
Dapat aniyang nakakasa na ang mga programa ng gobyerno para sa maayos na kalusugan, edukasyon, paglikha ng mga trabaho at kabuhayan ng mga apektado ng pandemya.
Giit pa nito, ang pagpapalakas ng budgetary support sa mga ahensya at de-kalidad na health health facilities at equipment ang tanging susi para matamo ang sustainable pandemic recovery ng bansa.
Naglaan ng gobyerno ng P77.46 bilyong pondo sa Department of Health (DOH) sa 2022 para sa COVID-19 initiatives at universal health care programs, kasama na ang pambayad sa mga benepisyo at insentibo sa medical frontliners.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.