Labis na ikinalugod ng Malakanyang ang Top 5 finish ni Miss Philippine Beatrice Luigi Gomez sa ika-70 Miss Universe competition sa Israel, Lunes ng umaga.
Sa inilabas na pahayag ni Cabinet Sec. Karlo Nograles, sinabi nito na sa pamamagitan ni Gomez ay natunghayan muli ng buong mundo ang natatanging personalidad ng mga Filipina.
“The Palace commends Miss Philippines Beatrice Luigi Gomez for bringing joy to our people and honor to our country at the 70th Miss Universe competition in Israel,” sabi pa ni Nograles.
Sabi pa nito; “A member of our armed forces, an athlete, and a youth advocate, Ms. Gomez is an inspiring figure whose participation in Miss Universe allowed the world to see what we in the country witness every day: the strength, grace, and beauty of the Filipino woman.”
Ang 26-anyos na Cebuana ang huling tinawag na kandidato na pumasok sa Top 5 ngunit nabigo na siyang makausap sa sumunod na round.
Tinanong si Gomez ni Miss Universe 2016 Iris Mittenaere ukol sa kanyang opinyon sa universal vaccine passport.
Ang sagot ni Gomez; “I believe that public health is everyone’s responsibility, and to mandate vaccine inoculation is necessary. If mandating vaccine passports would help us in regulating the rollouts of the vaccine, and mitigate the situation of the pandemic today, then I would agree on mandating the necessary passport of vaccination. Thank you.”
Natapos ang kompetisyon sa pagkakapanalo ni Miss India Harnaaz Sandhu.