MMFF Parade of Stars, gagawin sa Pasig River

By Jan Escosio December 13, 2021 - 02:45 PM

Sa kauna-unahang pagkakataon, isasagawa ang Fluvial Parade of Stars ng Metro Manila Film Festival (MMFF) sa Pasig River.

Tampok sa fluvial parade sa Disyembre 19 ang ferry boats na magsisilbing floats ng mga artista ng mga pelikula na nakasama sa film fest.

Sinabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos ns ang fluvial parade ang kapalit ng nakasanayang motorcade parade at ito aniya ay kabilang sa mga tampok na muling pagpapalabas ng mga pelikula sa mga sinehan sa Kapaskuhan.

“The fluvial parade will showcase the ferry service and at the same time encourage the public to ride the agency-operated Pasig River Ferry Service, an alternative transportation across Metro Manila,” sabi nito.

Layon din aniya ng parada sa Ilog Pasig ay mahikayat ang publiko na sumakay sa Pasig River Ferry Service bilang alternatibong paraan ng transportasyon mula sa lungsod ng Pasig hanggang sa lungsod ng Maynila.

Magsisimula ang parade sa Guadalupe Ferry Station at magtutungo sa C-5 Bagong Ilog Bridge bago iikot at babalik hanggang sa Makati Circuit para sa 7.66 kilometro na parada.

Ang mga fans ay maaring panoorin ang parada ng walong ferry boats sa gilid ng Pasig River

Noong nakaraang taon, ang Parade of Stars ay isinagawa virtually dahil na rin sa pandemya.

TAGS: BenhurAbalos, Christmas2021, FluvialParadeofStars, InquirerNews, MMFF, RadyoInquirerNews, BenhurAbalos, Christmas2021, FluvialParadeofStars, InquirerNews, MMFF, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.