Bagyo sa labas ng bansa, napanatili ang lakas habang kumikilos pa-Kanluran

Napanatili ang lakas ng Tropical Depression sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Batay sa severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,760 kilometers Silangan ng Mindanao dakong 10:00 ng umaga.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers per hour sa direksyong Kanluran.

Inaasahang patuloy itong kikilos pa-Kanluran at papasok sa teritoryo ng bansa sa Martes ng gabi, December 14, ilang isang severe tropical storm.

Oras na makapasok ng bansa, tatawagin na itong #OdettePH.

Read more...