Omicron mas mabilis maihawa kumpara sa Delta – WHO
Inanunsiyo na ng World Health Organization (WHO) na mas madaling maihawa ang Omicron variant ng COVID 19 kumpara sa Delta variant.
Bukod dito, napapahina din ng Omicron variant ang bisa ng bakuna, base sa mga paunang datos na nakalap ng WHO.
Ayon pa sa WHO, kumalat na sa 63 bansa hanggang noong Disyembre 9 ang Omicron variant, na nagsimula sa South Africa.
Ngunit hindi pa rin masabi kung ang bilis na maihawa ng Omicron ay bunga ng epekto nito sa mga bakunado.
“Early evidence suggests Omicron causes a reduction in vaccine efficacy against infection and transmission,” sabi ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus.
Dagdag pa niya; “Given the current available data, it is likely that Omicron will outpace the Delta variant where community transmission occurs.”
Puna pa ng WHO, marami sa mga tinamaan ng Omicron ay ‘asymptomatic’ o nakaranas ng ‘mild symptoms’ ng 2019 coronavirus.
Una naman inihayag ng gumagawa ng Pfizer vaccines na epektibo pa rin ang kanilang bakuna laban sa Omicron variant.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.