DILG chief maglalabas ng campaign guidelines para sa LGUs

Inanunsiyo ni Interior Secretary Eduardo Año na maglalabas siya ng guidelines sa mga lokal na pamahalaan kaugnay sa pangangampaniya ng mga kandidato sa susunod na taon.

“Ako mismo maglalabas ako ng guidelines para sa mga LGUs ano yung mga panuntunan kapagka may caravan at saka merong motorcade diyan sa inyong area at ano ang dapat babantayan natin at hindi papayagan,” ani Año.

Reaksyon ito ng kalihim kaugnay sa sunod-sunod na caravans at motorcades na isinasagawa ng mga kandidato, na nagdudulot ng matinding trapiko at paglabag sa minimum public health protocols.

 

Sinabi nito na napagkasunduan na isang linya lamang sa mhga pangunahing lansangan ang gagamitin ng motorcades o caravans, magtatalaga ng assembly area, walang programa at tuloy-tuloy lamang daloy ng mga kalahok.

 

Kaugnay naman sa mga paglabag sa health protocols, sinabi ni Año na dapat ay kumilos ang LGU at kung hindi ay sila ang papanagutin.

 

Diin niya, ipinapatupad lamang ng kanyang tanggapan ang mga kautusan ng Inter Agency Task Force (IATF).

 

 

Read more...