BBM – Sara mega caravan maliit ang naging epekto sa trapiko – MMDA
Dahil sa koordinasyon, maliit lamang ang naging epekto ng Marcos-Duterte caravan sa Metro Manila.
“Based on our assessment, the mega caravan launched by the supporters of Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. and Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio was orderly,” sabi ni MMDA General Manager Atty. Romando Artes
Sinabi ni Artes ito ay dahil sa tamang koordinasyon ng mga organizers gayundin ang kanilang mga sariling hakbang tulad ng pagpapakalat ng marshals.
“This proved that proper coordination anchored with proper implementation and execution produces a positive result,” dagdag pa ng opisyal.
Sa pagtataya ng MMDA, 900 sasakyan, kasama na ang mga motorsiklo, ang nakibahagi sa caravan na nagtapos ng alas-9 ng umaga.
Bunga nito, hinihikayat ng ahensya ang mga organizers ng motorcades na sumunod sa mga guidelines para hindi magdulot ng perwisyo sa mga motorista ang kanilang aktibidad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.