DSWD may P950M halaga ng relief goods at standby fund para sa bagyo

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na may sapat na relief goods at standby funds para sa mga maapektuhan ng masamang panahon sa Visayas at Mindanao.

 

Iniulat ng kagawaran na P862.75 milyon ang nakaimbak na relief goods, kabilang ang P424.14 milyong halaga ng non-food items at P216.65 milyong na food items.

 

May 360,097 family food packs na nagkakahalaga ng P221.97 milyon ang maaring agad na maipamahagi base sa ulat mula sa Disaster Response Operations Monitoring and Information Center (DROMIC).

 

Una nang inanunsiyo ng PAGASA na malaki ang posibilidad na manalasa sa Visayas at Mindanao ang papalapit na masamang panahon sa susunod na tatlo hanggang limang araw.

 

Ang tropical depression ay huling namataan sa distansiyang P1,955 kilometro silangan ng Mindanao kaninang hapon.

 

Taglay ang lakas na hangin na 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na 70 kilometro kada oras at kumikilos sa bilis na 15 kilometro kada oras patungong kanluran.

Read more...