356 na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa bansa

By Chona Yu December 11, 2021 - 05:04 PM

Aabot sa 356 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa ngayong araw, Disyembre 11, 2021.

Ayon sa Department of Health (DOH) nasa 2,836,360 na ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus.

Nasa 11,373 naman ang aktibong kaso.

Sa naturang bilang, 902 ang asymptomatic, 4,328 ang mild, 3,747 ang moderate, 1,991 ang severe, at 405 ang nasa critical condition.

Nasa 135 naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi.

Sa kabuuan, nasa 50,096 na ang bilang ng mga nasawi dahil sa virus.

 

TAGS: COVID-19, department of health, news, Radyo Inquirer, COVID-19, department of health, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.