Sen. Grace Poe naalarma sa pagkawala ng mga trabaho sa telecommunications at broadcast industry

By Jan Escosio December 11, 2021 - 02:11 PM

Labis na nabahala si Senator Grace Poe sa pagkalagas ng mga trabaho sa mga kumpanyang nasa sektor ng telecommunications at broadcast bunga ng nag-expire na ang prangkisa.

Marami din aniya ang nawalan ng trabaho dahil sa pagpapalabas ng cease and desist orders (CDOs) ng National Telecommunications Commission (NTC).

“Walang may gustong mawalan ng trabaho lalo na sa panahon ngayon. Napakabigat na hamon sa isang kumpanyang sikaping makaraos habang hindi naman ito maaaring mag-operate,” ayon sa namumuno sa Senate Committee on Public Services.

Ang pagpapalabas ng CDOs ng NTC ay nagsimula nang magdesisyon ang Korte Suprema na hindi maaring mag-operate ang mga telcos at broadcasting companies ng walang prangkisa.

Magugunita na ito ang sinapit ng kaso ng ABS-CBN, na naisyuhan ng NTC ng CDO dahil sa expired na prangkisa.“Nakakatakot talaga ito. Dahil dito, marami ngayon ang naaapektuhan. Marami ang nawalan at mawawalan pa ng trabaho,” sabi ni Poe.

Sa pagdinig ng naturang komite kamakailan, sinabi ng NTC na sinusuportahan nila ang Senate Bill No. 1530 ni Senate Minority Leader Frank Drilon na layong maging malinaw kung ang hindi pa pagbibigay ng prangkisa ay maituturing na pinagkakaitan na sila.

TAGS: news, NTC, Radyo Inquirer, Senador Grace Poe, Telcos, news, NTC, Radyo Inquirer, Senador Grace Poe, Telcos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.