#buylocal sa mga manok, isda at baboy isinulong para ngayon Kapaskuhan

By Jan Escosio December 11, 2021 - 02:09 PM

Hinikayat ang mga Filipino consumers na sa mga pagselebra ng Kapaskuhan, bilihin ang mga lokal na produkto, kasama na ang mga karne ng baboy at manok, gayundin ang isda.

Ayon sa mga local food producers, dapat ay hindi tangkilikin ang mga ‘imported frozen food products at piliin ang mga masustansya at sariwang lokal na produkto.

Anila makakatulong din ito sa kabuhayan ng mga lokal na magsasakaw at producers na labis na naapektuhan ng nagpapatuloy na pandemya.

“It is important to buy locally produced chicken. Not only is it healthier by being free from preservatives but it also supports the local value chain,” sabi ni Atty. Karen Jimeno, counsel ng Vitarich Corp.

Ito ay sinegundahan naman ni Edicio De La Torre, ang pangulo ng Philippine Rural Reconstruction Movement.

Una nang sinabi ni Agriculture Sec. William Dar na may sapat na suplay ng pagkain, kasama na ang karne ng manok.

Ayon naman kay Elias Jose Inciong, pangulo ng United Broiler Asso., na mas pinipili pa rin ng mga konsyumer sa bansa ang locally-produced chicken kumpara sa mga imported frozen chicken.

Dagdag pa niya karaniwan ang tumatangkilik lamang sa mga imported na karne ay ang Hotel Restaurant Institutions (HRIs)

TAGS: Atty. Karen Jimeno, Buy local, news, Radyo Inquirer, VItarich Corporation, Atty. Karen Jimeno, Buy local, news, Radyo Inquirer, VItarich Corporation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.