Naghain ng resolusyon si Senator Leila de Lima para makapagsagawa ng pagdinig ang Senadi ukol sa malawakang land reclamation projects sa ibat-ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay de Lima ang mga reclamation projects ay malaking banta sa coastal at marine ecosystems.
Sa inihain niyang Senate Resolution No. 956, nais ng senadora na mabusisi ang proseso na ginagawa ng mga lokal na pamahalaan sa pag-apruba sa mga proyekto.
Nais niyang malaman kung talagang nasusunod ang umiiral na mga polisiya at batas pang-kalikasan.
“The widespread approval of reclamation projects is altogether alarming for our and future generations of Filipinos and the government should consider imposing a moratorium on the continuing approval of such projects, both large and small,” sabi nito.
Ngayon taon, daan-daang ektarya ng reclamation projects ang isinasafawa sa Dumaguete City, Consolacion, Cebu; Minglanilla, Cebu at Mandaue City, bukod pa sa ilang bahagi ng Manila Bay.
Giit ng 80 enviromental protection advocacy groups, sa pangunguna ng Oceana, karaniwang ikinakatuwiran ng mga nagsasagawa ng proyekto na ang mga ito ay para sa paglago ng lokal na ekonomiya.
Ngunit anila ang mga proyekto ay maituturing na illegal dahil sa hindi pagsunod sa tamang proseso.
“There is a growing body of evidence of the harmful effects and negative impacts that reclamation projects can have on not only the environment but also the affected communities and surrounding ecosystem. Yet the government is insistent on its widespread implementation under the promise of economic development,” diin ni de Lima.