Pangulong Duterte wala pang kandidato sa pagka-pangulo sa 2022 elections-Bong Go

By Chona Yu December 11, 2021 - 08:36 AM

Wala pang napipisil na kandidato sa pagka-pangulo ng bansa si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Senador Bong Go, walang katotohanan na napili na ng Pangulo si presidential aspirant at Manila Mayor Isko Moreno para i-endorsong pangulo sa 2022 presidential elections.

Sinabi pa ni Go na wala ring katotohanan na tumutulong na sa pangangampanya ni Moreno ang ilang opisyal ng administrasyon.

Sinabi pa ni Go na naghihintay pa ngayon ang Pangulo kung sino sa mga kandidato ang kanyang susuportahan.

Una nang sinuportahan ng Pangulo ang kandidatura ni Go sa pagka-pangulo subalit umurong ito.

Bukod kay Moreno, kumakandidatong pangulo ng bansa sa susunod na eleksyon sina Senador Manny Pacquiao, Senador Panfilo Lacson, Vice President Leni Robredo at dating Senador Bongbong Marcos Jr.

 

TAGS: 2022 elections, Manila Mayor Isko Moreno, news, pambato, Pangulong Duterte, Radyo Inquirer, Senador Bong Go, 2022 elections, Manila Mayor Isko Moreno, news, pambato, Pangulong Duterte, Radyo Inquirer, Senador Bong Go

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.