Higit 1,600 pasahero, stranded sa mga pantalan sa Bicol

By Angellic Jordan December 10, 2021 - 04:20 PM

Tinututukan pa rin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga stranded na pasahero sa mga pantalan dahil sa nararanasang sama ng panahon.

Sa maritime safety advisory hanggang 12:00, Biyernes ng tanghali (December 10), stranded ang 1,671 pasahero, drivers at cargo helpers sa mga pantalan sa Bicol region.

Maliban dito, stranded din ang 732 rolling cargoes sa nasabing rehiyon.

Ayon sa PCG, nakararanas ng light to moderate sea condition sa Bicol region.

Patuloy naman ang 24/7 nationwide monitoring ng PCG Operations Center para sa istriktong implementasyon ng guidelines sa galaw ng mga sasakyang-pandagat.

TAGS: InquirerNews, MaritimeAdvisory, PCG, PCGmonitoring, RadyoInquirerNews, InquirerNews, MaritimeAdvisory, PCG, PCGmonitoring, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.