36.5 milyong katao sa Pilipinas, bakunado na vs COVID-19

By Chona Yu December 10, 2021 - 02:31 PM

Pumalo na sa 36.5 milyong katao ang fully vaccinated na kontra COVID-19 sa Pilipinas.

Ayon kay Cabinet Secretary at acting presidential spokesman Karlo Nograles, nasa 95.2 milyong bakuna na ang naiturok.

Nasa 54.3 milyon naman ang nakatanggap ng first dose ng bakuna.

Ayon kay Nograles, nasa 691,000 na ang nakatangap ng booster shot.

Kasabay nito, tiniyak ni Nograles na may sapat na suplay ng bakuna at pondo ang pamahalaan para sa booster shot.

Nasa P45 bilyon aniya ang inilaang pondo ng pamahalaan para sa booster shot.

TAGS: COVIDvaccination, InquirerNews, KarloNograles, Radyo InquirerNews, COVIDvaccination, InquirerNews, KarloNograles, Radyo InquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.