Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 268.74 milyon

AFP photo

Pumalo na sa 268.74 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 268,740,534 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 50,535,791 cases.

Sumunod na rito ang India na may 34,674,744 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 22,177,059 naman ang kaso sa Brazil habang 10,660,981 ang napaulat na kaso sa United Kingdom.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 9,925,806
– Turkey – 8,984,407
– France – 8,105,785
– Germany – 6,355,888
– Argentina – 5,350,867
– Spain – 5,273,178
– Italy – 5,164,780
– Colombia – 5,088,008

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 5,302,968 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 241,853,411 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...