Natunton ng pamahalaan ang lima sa pitong pasahero na galing ng South Africa at dumating sa Pilipinas.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dalawa na lamang sa mga pasahero ang pinaghahanap ngayon.
Una rito, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque na nahanap na ang pitong returning overseas Filipinos.
Dalawa sa mga ito ay sumasailalim sa facility-based quarantine at hinihintay ang RT-PCR results.
Ayon kay Duque, ang isa ay naka in-home quarantine at negatibo ang RT-PCR test result.
Isa sa mga pasahero ay nakakumpleto na sa 14-day quarantine at na-discharge na.
MOST READ
LATEST STORIES