Pagpapasara at pagsira ng kalsada ng BuCor nais maimbestigahan ni Sen. Leila de Lima

By Jan Escosio December 10, 2021 - 08:50 AM

 

Nanawagan si Senator Leila de Lima sa kanyang mga kapwa senador na imbestigahan ang ginawang pagpapasara at pagsira ng Bureau of Corrections (BuCor) ng kalsada sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Sa inihain niyang Senate Resolution 957, nais ni de Lima na malaman kung may mga nalabag na batas ang pamunuan ng BuCor at para mapanagot ang mga kinauukulang opisyal sa kanilang naging aksyon.

Binanggit ni de Lima sa resolusyon ang tila pagbalewala sa mga lokal na ordinansa, gayundin sa karapatan ng mga residente na lubhang naapektuhan ng ginawa ng BuCor.

“The Senate must look into whether existing laws have been violated in the construction of the said wall which did not only disregard the local government but as well as the rights of the residents who have been left traversing unsafe and unlighted pathways, and have been reduced to avail of transportation services at a hefty cost,” sabi ng senadora.

Noong Nobyembre 26, isinara ng BuCor sa pamamagitan ng pagpapatayo ng pader ang Insular Prison Road kayat lubos na naapektuhan ang mga residente ng Katarungan Village.

Ito ay sinundan nang pagsira ng kalsada nang almahan at sirain ng mga residente ang pader.

Ang pamahalaang-lungsod sinabi ng walang kinauukulang permit ang naging aksyon ng BuCor at paglabag ito sa naunang napagkasunduan.

 

TAGS: Bureau of Corrections, news, Radyo Inquirer, Senador Leila De Lima, Senate Resolution 957, Bureau of Corrections, news, Radyo Inquirer, Senador Leila De Lima, Senate Resolution 957

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.