DepEd humihirit ng dagdag na pol duty pay para sa mga guro sa 2022 elections

By Jan Escosio December 10, 2021 - 08:48 AM

Nakahanda ang Department of Education (DepEd) na tumulong sa Commission on Elections (COMELEC) para makahingi ng mas mataas na pondo mula sa Kongreso para sa karagdagang benepisyo ng mga guro na magsisilbi sa papalapit na eleksyon.

Una nang pinagbigyan ng Comelec ang DepEd sa hiling na mas mataas na honoraria at allowances para sa mga guro.

Ayon sa DepEd ang hinihingi nilang dagdag pondo ay para sa karagdagang proteksyon ng kanilang mga guro at iba pang tauhan ngayon nananatili ang pandemya dulot ng COVID 19.

Kabilang sa mga nais nilang benepisyo ay ang pagbibigay ng Special Risk Allowance (SRA) na katumbas ng 25 porsiyento ng buwanang sahod, P1,000 food and water allowance kada araw ng kanilang pagsisilbi at health insurance sakaling sila ay mahawa ng COVID 19.

Bukod pa diyan ang pagbibigay ng bitamina at supplements, probisyon para sa swab testing, pondo para sa pagsasaayos at paglilinis ng mga pampublikong paaralan na gagamiting voting centers at pagbibigay ng honoraria sa mga miyembro ng DepEd Monitoring and Coordination Teams ng 2022 Election Task Force ng kagawaran.

“We will continue to coordinate with Comelec these significant requests for our teachers and poll workers, who are dedicated to champion clean, safe, and fair elections next year,” ayon pa sa inilabas na pahayag ng DepEd.

 

TAGS: comelec, deped, news, pol duty, Radyo Inquirer, comelec, deped, news, pol duty, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.