Pagbabakuna sa may edad 5 – 11, hiniling na gawing prayoridad bago ang face-to-face classes

By Angellic Jordan December 09, 2021 - 07:12 PM

Umapela si San Jose Del Monte City Rep. Rida Robes sa Inter-Agency Task Force (IATF) na gawing prayoridad ang pagbabakuna sa mga batang edad lima hanggang 11 taong gulang bago sila payagang bumalik sa face-to-face classes.

Sinabi ni Robes na kung ang mga nasa kolehiyo ay pinapagayan lamang pumasok ang mga mayroon nang full vaccination status, mas lalo aniyang dapat protektahan ang mga mas batang estudyante na hindi pa bakunado.

Ayon sa kongresista, batid niya ang damdamin ng mga ina na nangangamba para sa mga anak kapag pumasok sa eskwela nang may banta pa rin ng virus.

Sa ngayon, wala pang vaccine manufacturer na nagsumite ng Emergency Use Application (EUA) para sa mga batang edad 5 hanggang 11.

Ayon kay Robes, kapag mayroon nang nagsumite ng applications ay dapat apurahin ng Food and Drug Administration (FDA) ang pag-aaral at pag-apruba sa mga bakuna lalo na iyong mga ginagamit na sa ibang bansa para sa nasabing age group.

TAGS: COVIDvaccination, COVIDvaccine, IATF, InquirerNews, RadyoInquirerNews, RidaRobes, COVIDvaccination, COVIDvaccine, IATF, InquirerNews, RadyoInquirerNews, RidaRobes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.