Mga Pinoy, dapat maging mapagmatyag vs Omicron variant – Legarda

Photo credit: Rep. Loren Legarda/Facebook

Hinikayat ni House Deputy Speaker at Antique Rep. Loren Legarda ang publiko na maging “hyper vigilant” sa gitna ng banta ng Omicron variant ng COVID-19.

Patuloy kasi ang pagdami ng kaso ng bagong variant sa Europa at Africa.

Umapela ang mambabatas matapos irekomenda ng mga health expert na paghandaan ang worst case scenario sakaling makalusot sa bansa ang naturang variant.

Sa pinakahuling report ng World Health Organization (WHO), umabot na sa 38 bansa ang tinamaan ng Omicron variant.

Ayon sa three term senador, hindi dapat maging kampante ang mga Filipino sa panahon ng Kapaskuhan, lalo na’t ibinaba na sa Alert Level 2 ang National Capital Region at iba pang probinsya.

Inaasahan din ng kongresista na libu-libong overseas Filipino workers (OFWs) ang uuwi sa bansa sa kasagsagan ng holiday season.

Dahil dito, dapat mas higpitan ang ipinaiiral na health protocols, border control at vaccination drive sa mga Filipino.

Suportado rin ni Legarda ang rekomendasyon ng mga health expert na ang pagbabakuna ang pinakamabisang paraan upang labanan ang nakahahawang sakit.

Read more...