Ex-PNP Chief Eleazar sinabing dapat kasuhan ang pitong ‘missing’ South Africa travelers
Nais ni dating PNP Chief Guillermo Eleazar na makasuhan ang pitong returning overseas Filipinos na nagbigay ng mali o kulang na contact details sa kanilang tracing form.
Kabilang ang pito sa 253 na nagmula sa ibat-ibang bansa sa South Africa mula noong Nobyembre 15 hanggang 29.
Paalala lang ni Eleazar, hindi katanggap-tanggap ang pagbibigay ng mga maling impormasyon sa contact tracing form lalo na ngayon may banta ng Omicron variant ng COVID 19.
“Maliwanag na ito ay isang pambabastos hindi lang sa batas ng ating bansa kundi pati na rin sa mga Pilipino sa gitna ng banta ng Omicron variant ng COVID-19,” ayon sa dating hepe ng pambansang pulisya.
Giit nito kailangan na agarang mahanap ang pito dahil nakataya ang kaligtasan ng mamamayan, gayundin ang ekonomiya.
Kasabay nito, nagpahayag ng suporta si Eleazar sa ‘second wave’ ng National Vaccination Days sa Disyembre 15 hanggang 17, kung saan ang target na mabakunahan ay pitong milyong indibiduwal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.