Palasyo kinondena ang pagpatay sa Manila Standard Today correspondent

Mariin ang pagkondena ng Malakanyang sa pagpatay sa isang mamamahayag sa Calbayog City kahapon.

 

Kasabay nito, sinabi ni Usec. Joel Sy Egco, ng Presidential Task Force on Media Security, iniimbestigahan na ng PNP ang pagpatay kay Jess Malabanan, correspondent ng Manila Standard Today sa Pampanga, gayundin ng Reuters.

 

Binaril sa ulo si Malabanan sa loob ng kanilang tindahan.

 

Ibinahagi ni Egco na malapit niyang kaibigan si Malabanan dahil nagkasama sila sa Manila Standard.

 

Nabatid na nagtungo sa Samar si Malabanan bunga ng mga natatanggap na pagbabanta sa kanyang buhay sa Pampanga.

 

Ayon pa kay Egco magtutungo siya sa Samar para pangasiwaan ang pag-iimbestiga sa kaso at para personal na rin makiramay sa mga naulila ng mamahayag.

 

Si Malabanan ay naging correspondent din ng Manila Times at Inquirer Bandera.

Si Sen. Manny Pacquiao naglabas na ng pahayag nang pagkondena sa insidente at aniya patunay lang ito sa walang habas na pagpatay sa mga mamamahayag.

“Nakakaawa po ang mga walang kalaban-laban na kagawad ng media na kung hindi iniiipit sa pamamagitan ng harassement case ay ginagamitan sila ng karahasan,” ayon sa presidential aspirant.

Read more...