Mga artistang pinalad at hindi pinalad sa pulitika

Hindi na bago sa Philippine Elections ang mga artistang sumasabak sa elective post at hindi naiiba ngayong May 9, 2016 national at local elections.

Halimbawa ng mga artistang nagtagumpay sa larangan ng pulitika si Joseph Estrada at Vilma Santos.

Hindi rin matatawaran si Lito Lapid sa kabila ng panghahamak sa kanya ay ilang taon na naupo bilang senador maging si Vicente “Tito” Sotto na nakailang termino na bilang senador at si Senators Ramon “Bong” Revilla, Jr. at Jinggoy Estrada.

Ngayong 2016 elections, mahaba ang listahan ng mga celebrities na naghangad, nagtagumpay at ang iba ay maaaring sabihan na “… better luck next time.”

Bukod kay Richard Gomez na ngayon ay City Mayor na ng Ormoc matapos ang apat na pagtatangka na makasungkit ng pwesto pamahalaan may ilan pang mga artista ang nagtagumpay.

Base sa partial at unofficial count ay pangatlo si Sotto bilang reelectionist Senator.

Mula sa pagkakongresista ng Sarangani, nasa 9th place naman ngayon si Manny Pacquiao sa Senatorial Race.

Mula sa pagiging Vice Mayor ng Maynila ay tumakbo naman sa pagka-senador si Francisco Domagoso o Isko Moreno na ngayon ay nasa 16th place; Edu Manzano, 21st place; Alma Moreno, 24th at Mark Lapid, 19th sa senatorial race.

Sa local na posisyon ay nangunguna si Estrada sa Mayoral position sa Maynila laban kay Alfredo Lim.

Dinodomina rin ni incumbent Mayor Herbert “Bistek” Bautista ang Mayoralty race sa Quezon City.

Wagi naman si Lani Mercado bilang Mayor ng Bacoor city, Cavite at si Kristina “Kring-kring” Gonzales bilang Mayor ng Tacloban City.

Hindi rin natinag si Daniel Fernando bilang relectionist Vice Governor ng Bulacan laban kay Philip Salvador.

Si Lito Lapid ay pumapangalawa lang sa Mayoralty Race ng Angeles City, Pampanga kasunod ng nangungunang si Edgardo Pamintuan na re-electionist Mayor.

Nanganganib rin na hindi na makabalik sa pwesto si dating Laguna Governor E.R. Ejercito na pumapangalawa lang kay Ramil Hernandez.

Abot kamay na rin ni Governor Rosa Vilma Santos-Recto ang pagiging kinatawan ng 6th District ng Batangas na malaki ang agwat sa kalabang si Bernadette Sabili.

Sigurado na rin sa panibagong termino si Alfred Vargas na tumatatakbong “unopposed” sa pagka-kongresista ng 5th District ng Quezon City.

Tumatakbo naman sa pagkakonsehal sina Jomari Yllana ng Paranaque city; Roderick Paulate (Quezon City); Vandolph (Paranaque City); Jhong Hilario(Makati, 1st district); Monsour del Rosario (Makati, 1st district); Rico Puno (Makati, 1st district); Roselle Nava (Paranaque, at 1stdistrict); Inday Garutay (San Juan)

Mahigpit rin ang labanan sa pagka-Mayor ng Pateros sa pagitan ng dating beauty queen na si Daisy Reyes at Ike Ponce.

Muntik ko na makalimutan si Chiquito na naging Makati councilor mula 1969 at naging Vice Mayor noong 1992 pero natalo sa kanyang Senatorial bid noong 9th Congress.

 

Read more...