Mga eskuwelahan na nagkakasa ng limited face-to-face classes posibleng dumami sa 2022
Ngayon pa lang ay ikinukunsidera na ng Department of Education (DepEd) na palawigin pa sa pagpasok ng bagong taon ang ikinakasang limited face-to-face classes.
Sinabi ni Usec. Nepomuceno Malaluan mangyayari ito kung magpapatuloy ang magandang sitwasyon sa bansa.
Dagdag pa niya, inaasahan nila na magsusumite na ng kanilang ulat ang mga paaralan na kabilang sa mga unang nagbukas para sa limited face-to-face classes.
Ibinihagi pa ni Malaluan na nasa nakalipas na dalawang linggo, wala pa silang natatanggap na ulat na may nahawa ng COVID 19 sa mga nagbukas na eskuwelahan.
Aniya kung magpapatuloy ang magandang datos ng COVID 19 cases sa bansa, posible na marami pang eskuwelahan ang papayagan na makapagsagawa ng limited in-person classes sa susunod na taon.
“Sana hindi magbago itong pag-tren ng ating pag-monitor. It’s been very positive and we are anticipating a recommendation towards expansion,” sabi pa din ni Malaluan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.