Pitong milyong katao target mabakunahan kontra COVID-19 sa ikalawang round ng Bayanihan, Bakunahan

By Chona Yu December 07, 2021 - 04:10 PM

Target ng pamahalaan na bakunahan ang may pitong milyong katao sa ikalawang round ng Bayaniha, Bakunahan na ikakasa sa Disyembre 15 hanggang 17.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, ito ay para makamit ng pamahalaan ang 54 milyong target na fully vaccinated na mga Filipino bago matapos ang taong kasalukuyan.

Sa ngayon, nasa 38.7 milyon ang fully vaccinated sa Pilipinas.

Matatandaang sa unang round ng Bayanihan, Bakunahan, umabot sa 10.2 milyon ang nabakunahan noong Nobyembre 29 hanggang Disyembre 3.

 

TAGS: Bayanihan Bakunahan, Health Secretary Francisco Duque, news, Radyo Inquirer, Bayanihan Bakunahan, Health Secretary Francisco Duque, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.