Red list country hindi na muna dadagdagan ng IATF

Nagkasundo ang mga miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF) na hindi na muna dagdagan sa ngayon ang listahan ng mga bansa na nasa red list o nagbabawal sa mga biyahero na makapasok sa Pilipinas dahil sa mataaas na kaso ng COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi kasi maaring isara ng Pilipinas ang lahat ng borders para sa ibang mga biyahero.

Nagpatupad ang Pilipinas ng travel restrictions sa mga bansang nakapagtala ng kaso ng Omicron variant ng COVID-19.

Ayon kay Vergeire, nagrekomenda na lamang ang mga eksperto na magpatupad ng mas mahigpit na protocols para masigurong hindi kakalat  ang Omicron variant.

 

Read more...