Duque sisibakin na?

Inalok ni Pangulong Rodrigo Duterte si Father  Nicanor Austriaco Jr. bilang bagong kalihim ng Department of Health kapalit ni Secretary Francisco Duque III. Sa Talk to the People, sinabi ng Pangulo na kung gusto ni Austriaco na isang  molecular biologist at OCTA Research fellow ang pwesto ni Duque ay ibibigay niya ito. Nagpi-presenta si Austriaco ng Omicron COVID-19  at kung anong nga  dapat na gawing paghahanda ng pamahalaan kagabi nang alukin ito ng pwesto ni Pangulong Duterte. Ayon sa Pangulo, kung okay lang kay Austriaco ay kaligayahan niya itong gawing kalihim ng DOH. Gayunman, agad na tinanggihan ni Austriaco ang alok ni Pangulong Duterte at sinabing mas gugustuhin niyang manatili si Duque sa kanyang puwesto. Maayos naman kasi aniyang nagagampanan ni Duque ang kanyang trabaho. Pero paggigiit ng Pangulo, nais na ni Duque na umalis sa puwesto pero pinipigilan niya lamang ito. Agad namang sumang-ayon si Duque sa pahayag ng Pangulo na nais na niyang umalis sa puwesto. Matatandaang nabalot ng kontrobersiya si Duque dahil sa mga kwestyunableng pagbili ng medical equipment kontra COVID-19 pati na ang naantalang hazard pay at iba pang benepisyo ng mga health workers.

Read more...