Positibo sa red tide ang ilang baybaying dagat sa bansa.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, bawal kainin ang mga makokolektang shellfish sa Bataan (Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Hermosa, Orani, Abucay at Samal); coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Carigara Bay sa Leyte; coastal waters sa Guiuan, at Matarinao Bay sa Eastern Samar; Dumanquilas Bay sa Zamboanga del Sur; coastal waters ng Baroy sa Lanao del Norte; Litalit Bay, San Benito sa Surigao del Norte; at Lianga Bay sa Surigao del Sur.
Positibo rin sa red tide ang baybaying dagat ng Milagros sa Masbate.
Ayon sa BFAR bawal kumain ng Acetes sp. o alamang.
Maari namang kainin ang isda, pusit, hipon at alimango basta siguraduhin lamang na sariwa, maayos na niluto, tinanggal ang hasang at kaliskis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.