Ito aniya ay upang agad na makatugon ang awtoridad para hindi na kumalat pa ang mga bagong variant ng nakakamatay na sakit.
“There is little information available on the Omicron variant at this time but the health experts are one in treating this as a variant of concern. We should remain vigilant and not be complacent especially now that we have started to open up our economy and are allowing more people to move around freely in public,” ayon pa kay Angara.
Diin nito, ang pinaka-kritikal ang kakayahang ma-detect ang bagong variants para agad makapagkasa ng mga hakbang kasama na ang ibayong pag-iingat.
Noong Hunyo, naghain na ng resolusyon sa Senado si Angara para malaman ang estado ng COVID-19 surveillance at genome sequencing sa bansa para na rin mapagtibay pa ang ginagawang pagtugon sa nakakamatay na sakit.
Puna nito, may mga kritikal na rehiyon sa bansa na nahihirapan sa pagsusumite ng COVID-19 samples para sa genome sequencing bunga na rin ng kakulangan sa mga laboratory.
“The faster our health authorities will be able to detect, identify and track these cases with the new variants of COVID, including Omicron, the higher our chances of preventing its transmission,” diin ni Angara.