Mga magsasaka, hinihikayat ni Sen. Villar na gumamit ng organic fertilizers
Napakahalaga, ayon kay Senator Cynthia Villar, sa food security ang malusog na lupa kayat hinihikayat niya ang mga magsasaka na mag-‘compost’ gamit ang organic fertilizers.
Ginawa ito ni Villar kasunod nang pagpapahayag ng suporta ng isang grupo ng mga magsasaka sa mga panawagan na bawasan na ang pagasa sa mga imported fertilizers, na sa ngayon ay sumirit nang husto ang presyo.
Diin ng namumuno sa Senate Committee on Agriculture, kinakailangang mabigyang proteksyon ang kalidad ng lupa para matiyak ang sapat na suplay ng pagkain sa bansa, bukod pa para sa pag-unlad ng sektor ng agrikultura.
“Soil health is important for agricultural productivity, which in turn will affect food security. And the solution is as simple as putting nutrients back to the soul through composting and going organic,” diin ni Villar.
Nabatid na 95 porsiyento ng nakokonsumong pagkain sa bansa ay nagmumula sa lupa.
Kayat napakahalaga na matuto ang lahat, hindi lamang ang mga magsasaka sa pag-‘compost’ ng organic fertilzers, na aniya ay maaring magawa mula sa inaakalang basura mula sa kusina at hardin.
“By providing all the necessary support and assistance to our farmers, their cooperatives and other groups, we are encouraging them on composting, using readily available sources like wastes coming our own kitchen and garden,” dagdag pa ng senadora.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.